Inaaral mabuti ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung kailan ihihinto ang implementasyon ng rice price cap o ang Executive Order No. 39.
Sa sectoral meeting kahapon sa Malakanyang, sinabi ng pangulo na kailangang mapag-aralang mabuti ang usaping ito.
Una nang nagpatupad ang pangulo ng price ceiling sa regular rice na umaabot sa P41.00 kada kilo habang ang mandated price cap sa well-milled rice ay P45.00 kada kilo ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng bigas sa mga palengke.
Inutos na rin ng pangulo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng tig-P15,000 tulong sa mga maliliit na retailers na apektado ng rice price cap.
Facebook Comments