Pagpapahintulot ng pampublikong transportasyon sa ilalim ng GCQ, maiibsan ang pagbagsak ng ekonomiya – VP Robredo

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na mapapabagal sana ang pagbulusok ng ekonomiya nitong ikalawang kwarter ng taon kung pinayagan lamang na bumiyahe ang pampublikong transportasyon lalo na ang mga pampasaherong jeepney sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, binanggit ni Robredo na bumaba ng 59.2% ang transportation at storage sector na isa sa pinakamalaking nag-ambag sa pagbagsak ng Gross Domestic Product (GDP) na nasa 16.5% na nauwi sa economic recession ang Pilipinas.

Ang Pilipinas aniya ang may pinamalalang economic growth sa buong Southeast Asian nitong second quarter ng 2020.


Iginiit ni Robredo na dapat nagkaroon sana ng maayos na panuntunan noon sa public transportation tulad ng pagkakaroon ng mahigpit na pagsunod sa social distancing.

Nabatid na pinayagan ng pamahalaan ang nasa 6,000 “roadworthy” traditional jeepneys na magbalik-operasyon noong July 3, 2020 pero muling sinuspinde nitong August 4 nang ipatupad sa Metro Manila at ilang lalawigan ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Facebook Comments