Pagpapahintulot sa mga batang 15-17 yrs. old na lumabas ng bahay, hindi sinang-ayunan ng isang eksperto

Tutol ang ilang pediatric at infectious disease expert na payagang nang lumabas ang mga batang may edad 15 hanggang 17 anyos.

Ito ay sa harap ng hirit ng ilang Metro Manila mayor na palabasin na ang mga menor de edad na 15 hanggang 17 anyos.

Ayon kay Philippine Pediatric Society fellow Dr. Cynthia Juico, maituturing super spreader ang mga bata dahil karaniwang ubo, sipon, lagnat at pagtatae lang ang madalas na sintomas nila ng COVID-19.


Bukod dito, kailangan pa aniya ng gabay ng mga bata para sumunod sa minimum health standards.

Sinabi naman ni Rontgene Solante, isang infectious disease expert, masyado pang maaga kung maituturing ang paglabas ng mga batang 15 hanggang 17.

Aniya, bagama’t nakikita sa mga pag-aaral na mas mababa ang tyansang magka-COVID-19 ang mga teenager, tingin niya na mas delikado kung ipapares ito sa pagbubukas ng mga arcade at iba pang recreational facility.

Facebook Comments