Pagpapahusay sa ekonomiya at healthcare system, dapat iprayoridad ng susunod na pangulo

Para kay Senator Franklin Drilon, pangunahing dapat tutukan ng susunod na pangulo ng bansa ang pagbangon sa ating ekonomiya na pinadapa ng pandema at ang pagpapahusay sa ating health care system.

Tugon ito ni Drilon, ng tanungin kung ano ang maipapayo niya kay Vice President Leni Robredo, sakaling itong manalo sa darating na May 9 Elections.

Kaisa si Drilon sa sinabi ni dating Senator Antonio Trillanes IV na tiyak ipa-prayoridad ni Robredo ang pagpapanumbalik sa sigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa pamilyang Filipino, sa maliliit na negosyo, at sa mga nawalan ng trabaho.


binigyang diin ni Trillanes ang plano ni Robredo na “post-COVID recovery” na tutulong sa pagbangon ng mga maliliit na negosyo, o MSMEs, at magpapalakas sa “purchasing power” ng mamamayan.

Kaugnay nito ay ipinaalala ni Drilon na andyan pa rin ang COVID-19 kaya kailangang mapalakas ang ating health care system kasabay ng pagpapalakas din sa ating ekonomiya.

Facebook Comments