Temporary shelter, itatayo sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Agaton

43

Nagpulong ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon at tinalakay ang mungkahing pagtatayo ng temporary shelter para sa mga pamilyang lubhang naapektuhan nh Tropical Storm (TS) “Agaton”.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad na napagkasunduan ng council na ang Office of Civil Defense ang siyang mag po provide ng construction materials at pondohan ang nasabing proyekto.

Ang Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau, ang inatasan na magsagawa ng site assessment kung saan itatayo o i construct ang temporary shelter.


Habang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang siyang mag handle sa site inspection, paghahanda para sa kaukulang site development.

Ang DSWD naman ang siyang magbibigay ng pagkain at cash for work sa mga volunteers.

Samantala, Armed Forces of the Philippines (AFP) ang siyang mag deploy ng mga tauhan na gagawa sa construction at titiyakin naman ng DILG ang pagsunod ng Baybay at Abuyog LGUs para sa relocation program.



Sinabi ni Jalad na target matapos ang construction ng temporary shelters sa June 10, 2022 ito ay para sa mga pamilyang nasira ang mga bahay dahil sa landslides sa Leyte.

Facebook Comments