Roxas, Isabela- Puspusan parin ang ginagawang pag-papaigting ng PNP Roxas sa kanilang kampanya kontra iligal na droga at pakikiisa sa inilunsad na operasyon ng lahat ng kapulisan dito sa lalawigan ng Isabela na OPLAN Tambay.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni PO2 Jeruel Dave Hipol, ang Operations Officer ng PNP Roxas sa programang Sentro Serbisyo kahapon Hunyo 23, 2018.
Aniya, mula umano sa kabuuang bilang na 353 ang tokhang responders sa kanilang bayan ay umabot na sa 165 ay ang nakatapos na sa Community Based Rehabilitation Program o (CBRP) habang nasamahigit isang daang tokhang responders pa angnakatakda namang magtapos sa susunod na buwan.
Dagdag pa niya, ilan umano sa mga programang itinuro sa kanila ay ang driving, pag-aayos ng electrical wirings at carpentry kung saan ay nagagamit naman na umano ito ng mga drug responders na sumailalim na sa CBRP.
Kasabay ng kanilang monitoring kontra iligal na droga ay puspusan din umano sila sa pagpapaigting ng OPLAN tambay kung saan ay nagbigay na umano sila ng mga direktiba o warnings sa mga mamamayan sa bayan ng Roxas.
Samantala, ipinaalala pa ni PO2 Hipol na bawal umano ang pagtambay sa mga lansangan sa mga oras ng alas dyes ng gabi hanggang alas kwatro ng umaga lalo na mga menor de edad at mga pasaway na umiinom sa mga kanto ng lansangan.