Pagpapaigting ng police visibility ipapatupad ng PNP kasabay ng pagbaba ng Alert Level sa Metro Manila

Inutos ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa lahat ng unit commander sa Metro Manila na paigtingin ang police visibility lalo na sa mga matataong lugar.

Ito ay matapos na ibaba na sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR) kasunod ng pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.

Ginawa ni PNP chief ang kautusan matapos ang pagkabahala ng Department of Health o DOH at mga health experts dahil sa tila pagsasawalang bahala ng publiko sa mga umiiral na health protocol dahil maaari nang lumabas ng bahay para sa recreational activities.


Samantala ikinatuwa naman ng PNP ang pagbaba ng kaso ng COVID -19 at bahagya ng bumabalik sa normal ang sitwasyon sa bansa.

Pero ayon kay PNP chief, hindi dapat na maging kampante at balewalain ang health safety protocols dahil kung hindi ay mauuwi na naman sa matagal na lockdown.

Facebook Comments