Isinagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang isang pagpupulong kamakailan na pinangunahan ni Governor Amado Espino III kasama ang mga hospital chief sa Pangasinan maging sa labing apat na government run hospital at ilang department heads.
Pangunahing tinalakay naman sa naturang pagpupulong ang pagpapaganda at pagpapahusay pa ng COVID -19 response dito ngayong nararanasan ang pagkapuno ng mga hospital beds at ang hindi na pagtanggap naman ng ilang pribadong ospital dahil sa punuan na ito.
Sinabi ni Dra. Anna De Guzman, ang Provincial Health Office Chief, iba pang napag usapan dito ang pagsasaayos sa mga empleyado o manpower, redicting ng mga pasyente na namamalagi naman sa Halfway House sa Burgos at Sta. Barbara at ang mga karagdagang kagamitan medikal sa labing apat na ospital sa lalawigan.
Tiniyak naman din dito ang pagsiguro sa kaligtasan ng publiko sa gitna naman ng COVID-19 pandemic.