Iginiit ng ilang senador na dapat pa ring paigtingin ng pamahalaan ang mga programa para sa employment at ang pagtugon sa inflation sa kabila ng pagbaba ng unemployment rate sa 4.5% nitong Oktubre.
Inirekomenda ni Senator Imee Marcos ang pagprayoridad sa mga proyekto na may mataas na labor multiplier tulad ng construction at agrikultura.
Sinabi rin ng senadora na dapat tugunan ang employment gap sa tourism industry sa pamamagitan ng pagbibigay ng alternatibong pangkabuhayan at pagkakaroon ng komprehensibong tourism plan.
Maari rin aniyang i-tap ang digital at creative economy para mapataas ang employment sa bansa.
Samantala, para naman mapababa ang presyo ng pagkain, kabilang sa mga iminumungkahi ng senadora ang pagkakaroon ng “bagsakan ng bayan” para sa suplay ng mga produkto, pagtiyak na nakasunod sa Suggested Retail Price (SRP) ang mga produkto, pag-aaral sa import-substitution sa pagkain at pag-institutionalize sa Kadiwa stores at pagtatayo ng mga food terminal sa mga critical area.