Inaprubahan na ng Food and Drug Administration ang rekomendasyon na paikliin sa tatlong buwan ang interval period ng pagtuturok ng unang dalawang dose at booster shots.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, papayagan nang mabakunahan ng booster shot ang mga 18 taong gulang pataas tatlong buwan matapos nilang matanggap ang ikalawang dose ng primary two dose vaccine.
Habang dalawang buwan naman ang para sa single dose kagaya ng Janssen COVID-19 vaccine.
Paliwanag ni Duque, malaking bagay ito para paghandaan ang posibleng banta ng Omicron COVID-19 variant.
Facebook Comments