Ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapaikli ng quarantine period ng mga biyaherong dumarating sa bansa na tumanggap na ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Pangulong Duterte, naaawa siya sa mgaq dumarating na Overseas Filipino Workers (OFW) na hindi agad nakakasama ang kani-kanilang mga pamilya dahil kailangang sumailalim sa matagal na community quarantine.
Dahil dito, pinayuhan ng pangulo ang gobyerno na maghanap ng paraan para mapaikli ang tagal ng pagsasailalim sa quarantine ng mga dumarating na OFW.
Sa ngayon, bilang tugon sa panawagan ay sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na pinag-aaralan nang paikliin sa lima hanggang sa pitong araw ang quarantine period ng mga dumarating sa Pilipinas mula sa ibang bansa.