VP Leni, nagpasalamat sa nominasyon sa kanya ng 1Sambayan sa pagkapangulo sa 2022

Nagpasalamat si Vice President Leni Robredo matapos siyang i-endorso ng opposition coalition na 1Sambayan bilang pambato nito sa presidential elections sa 2022.

Kasabay nito, humiling ng dasal at suporta sa mga Pilipino si Robredo sa magiging desisyon niya para sa halalan.

Aniya, maraming responsibilidad at obligasyon ang pagiging isang pangulo ng bansa kaya hindi dapat nakabase sa ambisyon o pang-uudyok ng iba ang desisyon sa pagtakbo.


Nabatid na lalong lumakas ang mga panawagan kay VP Leni na sumabak sa eleksyon dahil sa ipinamalas nitong matino, mahusay at epektibong pamamala bilang Pangalawang Pangulo sa loob ng halos anim na taon.

Facebook Comments