Nangangailangan pa ang Vaccine Expert Panel (VEP) ng karagdagang datos bago baguhin ang ilang panuntunan ng pagbibigay ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.
Ito ay matapos pagayan na sa United Kingdom ang pagbibigay ng booster doses tatlong buwan matapos matanggap ang dalawang doses ng bakuna.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Adviser Ted Herbosa, sapat pa ang pagitan ng doses ngayon ng iba’t ibang bakuna sa ating bansa.
Sinabi naman ni Herbosa na hindi malabo na magamit na rin bilang booster shot sa mga edad 16 hanggang 17 ang Pfizer vaccines tulad ng ginagawa sa Amerika.
Facebook Comments