Pagpapairal ng Alert Level System, hindi maaaring iapela – DOH

Iginiit ng Department of Health (DOH) na sila ang tumutukoy sa Alert Level System at hindi maaaring idaan sa apela o debate.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pagdedeklara ng alert level ay nakabase sa mga siyentipikong pamantayan.

Aniya, kaya isinailalim sa Alert Level 3 ang Metro Manila ay dahil sa pagbabago sa mga antas na ginagamit na basehan sa pagbaba ng mga kaso.


Kabilang na rito ang healthcare utilization rate ng Metro Manila na nasa moderate risk gayundin ang Average Daily Attack Rate (ADAR) at two-week growth rate.

Paliwanag pa ni Vergeire, ang tinatalakay na lamang sa pulong Inter-Agency Task Force (IATF) ay ang mga hakbang at aksyon na kailangang gawin kaakibat ang bawat alert level.

Facebook Comments