Iginiit ng ilang Pangasinense na Tama lang ang pagpapataw ng kaparusahan sa mga nagpapakalat ng fake news.
Sinabi ng ilang Pangasinense sa panayam ng IFM News Dagupan, na malaki ang magiging epekto sa mga kabataan ang pagpapakalat ng fake news.
Nanindigan ang mga ito sa banta na maaaring maidulot ng fakenews sa pananaw ng publiko at posibleng panic dahil sa maling impormasyon na pinapakalat.
Sa loob ng ilang taon, ilang panukalang batas ang ipinatupad ng mga mambabatas bilang pag-amyenda sa Cybercrime Prevention Act of 2012 upang mapaigting ang kampanya kontra fake news o misinformation.
Patuloy ang mga hakbang ng gobyerno at ilang organisasyon sa pagsugpo ng fakenews at mga makabagong teknolohiya tulad ng artificial intelligence. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments