Pagpapakalat ng fake news, mas lumala ngayong pandemya – propesor

Mas lumala pa ang pagpapakalat ng ‘fake news’ at disinformation tungkol sa pulitika sa nakalipas na dalawang taon sa ilalim ng pandemya.

Ayon kay UP Manila Professor Carl Marc Ramota, lumabas sa pag-aaral ng VERA Files na walo sa kada sampung maling balita ay may kinalaman sa pulitiko o isyung pulitikal.

Habang nadiskubre rin na mayroong 60 social media pages na nagse-share ng fake news na mula sa mga page na may ‘Duterte’ sa kanilang pangalan at 13 page naman ang may pangalang ‘Marcos’.


Maliban dito, lumabas sa pag-aaral na 70 percent na mas ibinabahagi ang fake news kumpara sa totoong balita.

Facebook Comments