Umaapela si Senator Christopher Bong Go na tumigil na ang mga nagpapakalat ng fake news para lalong palalain ang sitwasyon ngayon dulot ng COVID-19.
Ginawa ni Go ang pakiusap makaraang kumalat sa social media ang umano ay mga insident ng panghaharang sa mga motorista at pwersahang paghingi ng pera at pagkain ng ilang individual na apektado ng umiiral na Enchanced Community Quarantine (ECQ).
Diin ni Go, binerepika ng mga otoridad at media ang nabanggit na mga impormasyon at lumabas na wala itong katotohanan.
Hiling ni Go sa lahat, tumulong at magmalasakit sa kapwa sa halip na magkalat ng kasinungalingan at manloko dahil nakakadagdag ito sa krisis ngayon at nakakasagabal sa paglalatag ng solusyon.
Kaugnay nito ay pinayuhan ni Go ang publiko na huwag agad maniwala sa mga lumalabas na impormasyon sa social media kaya sa halip na ikalat o ipasa sa iba ay makabubuting ireport na lang sa otoridad at sa mga kinauukulang ahensya.