Manila, Philippines – Sisimulan na ngayong araw ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police ang pagpapakalat ng mga sundalo’t pulis sa buong Kamaynilaan bilang paghahanda sa nalalapit na ASEAN summit.
Pangungunahan nina PNP chief Ronald Dela Rosa at AFP Chief-of-Staff Gen. Eduardo Año ang deployment ng kanilang mga tauhan sa isang send-off ceremony na gaganapin sa Quirino Grandstand.
Inaasahang dadalo sa nasabing seremonya ang mga opisyal ng DILG at ilang opisyal mula sa ASEAN security task group.
Samantala, maging ang Philippine Coast Guard ay magpapakalat na rin ngayong araw ng kanilang mga floating asset sa Manila Bay.
Gaganapin ang unang araw ng ASEAN summit sa Philippine International Convention Center sa Pasay City mula April 26 na tatagal hanggang April 29.
Nation