Pagpapakalat ng tamang impormasyon ukol sa lindol, isinulong ni Sen. Aquino

Manila, Philippines – Isinulong ni Senator Bam Aquino angepektibong pagpapakalat sa mga impormasyong nakakalap ng Philippine Instituteof Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
  Ayon kay Aquino, ito ay upang mapawi ang pangamba ngpubliko ukll da lindol at iba pang kalamidad.
  Solusyon din aniya ito para labanan ang pagkalat ngpekeng impormasyon at makapaghanda ang mga komunidad sa pagtama ng malalakas napagyanig.
 
Sa Senate Resolution No. 343, iginiit ni Sen. Bam Aquinoang kahalagahan ng tamang paggamit at pagpapakalat ng impormasyon upangmapalakas ang kakayahan ng pamahalaan, local government units at mga komunidadsa pagtugon at muling pagbangon mula sa epekto ng mga lindol.
  Ang hakbang ni Aquino ay matapos ang serye ng lindol nayumanig sa iba’t ibang bahagi ng bansa kamakailan.
  Kasunod nito ay kumalat ang mali at nakalilitong mgaimpormasyon sa Internet na nagsasabi ng eksaktong petsa at lokasyon ng “BigOne”, na nagbunga ng pangamba sa publiko.

Facebook Comments