Pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao at Binga Dam sa Luzon, itinodo pa ayon PAGASA

Inihayag ng PAGASA na sabay-sabay na ang pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao at Binga Dam sa Luzon.

Base sa ulat ng PAGASA Hydro-Meteorology Division, sabay-sabay nang binuksan kaninang umaga ang walong gate ng Ambuklao Dam na may taas na lima at kalahating metro.

Base sa reading, nasa 151.95 meters na ang water level ng dam na halos pantay na sa normal high water level na 152 meters.


Samantala, anim na gate naman na may taas na 7 metro ang binuksan sa Binga Dam habang nasa 574.77 meters na ang water elevation nito para maabot ang normal water level na 575 meters.

Nanatili namang bukas ang isang gate ng Ipo Dam at limitadong nagpapakawala ng tubig kung saan nasa 101.27 meters ang lebel ng tubig nito na lagpas na sa normal water elevation na 101 meters.

Facebook Comments