
Target talaga ng Ombudsman na may makulong na sangkot sa maanomalyang flood control project bago mag-Pasko.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na nasa 60 indibidwal ang makululong bago ang Pasko.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, ito talaga ang layunin ng Ombudsman at kung maaari nga aniya ay kahit ngayon na ay may makulong na.
Pero may proseso aniyang kailangang sundin bilang bahagi ng due process.
Mayroon din kasi aniyang mga karapatan ang mga akusadong kailangang sundin.
Tiniyak naman ni Clavano na hahabulin nila ang lahat ng mga sangkot sa naturang anomalya.
Facebook Comments









