Ipinagpaliban ngayon ng Department of Agriculture ang pagpapalabas ng Suggested Retail Price (SRP) sa pula at puting sibuyas.
Ayon kay DA Deputy Spokesperson Asec. Rex Estoperez, nais mulang pag-aralang mabuti ni DA Senior Usec. Domingo Panganiban ang inirekomendang SRP sa sibuyas.
Sa naunang rekomendasyon, itinakda sa ₱150 ang SRP sa kada kilo ng pulang sibuyas habang ₱140 naman sa puting sibuyas.
Paliwanag ni Estoperez, ayaw na nilang maulit pa ang pangyayari noon na nagpalabas sila ng SRP pero walang sumunod.
Aniya, ayaw nilang pwersahin ang mga trader na magbaba ng presyo pero napipilitan lamang.
Dahil dito, mas palalakasin ng DA ang pag-iinspeksyon inspeksyon sa mga cold storage upang makita ang kabuuang suplay ng sibuyas sa bansa.
Facebook Comments