Tulong sa pamilya ng mga pulis na nasawi sa engkwentro sa Bataan tiniyak ng PNP

Pinamamadali ng Philippine National Police (PNP) ang tulong para sa naulilang pamilya ng isa nilang tauhan na nasawi sa law enforcement operation sa Bataan kahapon.

Ayon sa PNP Public Information Office ipinagluluksa nila ang pagkawala ni Police Corporal Darnel Alfonso na miyembro ng Intelligence Unit ng Bataan Police Provincial Office.

Minamadali na umano ng PNP ang pag-release ng financial assistance at benefits para sa mga naulila ni Alfonso.


Habang medical assistance naman ang ipagkakaloob kina Police Major Dennis Duran at PSSG. Glenn Salac na nasugatan naman sa operasyon.

Kasunod nito, sinabi ng PNP na patuloy silang magiging masigasig sa pagtugis sa mga kriminal.

Nabatid na sa naturang operasyon, 2 suspek ang nasawi matapos ang engkwentro.

Facebook Comments