Pagpapalakas ng case finding at contact tracing efforts, panawagan ng DILG sa mga LGU

Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Unit (LGU) na palakasin pa ang case finding at Contact Tracing Efforts.

Kasunod ito ng nagsimulang pilot implementation ng alert level system sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kailangan magtalaga ng kahit isang contact tracer sa bawat barangay na may populasyon na hindi hihigit sa 5,000.


Habang kailangan ding maging agresibo sa case finding at contact tracing lalo’t mabilis ang pagkalat ng mas nakakahawang delta variant.

Sa ngayon, handa ang DILG na magsanay ng mas maraming contact tracer sa pamamagitan ng local government academy at Department Of Health (DOH).

Facebook Comments