Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos sa Department of Migrant Workers (DMW) na palakasin ang mga programa para sa pagbibigay proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon sa pangulo, ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawang Pilipino sa lahat ng oras o pagkakataon sa ibang mga bansa na kanilang pinagtatrabahuhan.
Mapalalakas aniya ang global diplomacy sa pamamagitan ng bilateral level sa host countries kung saan maraming Pilipinong manggagawa.
Samantala, iniutos din ng pangulo ang pagpapatuloy sa paggamit ng P2.8 bilyon halaga na action plan sa panahon ng pandaigdigang krisis at emergency.
Hindi aniya titigil ang pamahalaansa pagkakaloob ng sapat na proteksyon para sa ating mga naghahanapbuhay sa ibayong dagat.
Facebook Comments