Nakikiisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paggunita sa ika-125 anibersaryo ng kalayaan ng bansa.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Andres Centino, kinikilala nila ang mga bayaning nakibaka at nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kasarinlan.
Sunod sa paksa ng pagdiriwang na “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan,” tiniyak ni Centino na ang AFP ay handang gampanan ang kanilang tungkulin upang mapanatili ang pagkakaisa at kapayapaan sa bansa habang patuloy na nagsisikap na palakasin ang ating kakayahang pandepensa.
Dagdag pa ni Centino, patuloy na makakaasa ang samabayanang Pilipino na mananatiling tapat sa paglilingkod ang Sandatahang lakas alinsunod sa kanilang mandato.
Facebook Comments