Non-DOH hospitals sa Albay, sakop ng Code Blue Alert kaugnay ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na sakop ng Code Blue Alert
sa Albay ang lahat ng ospital sa lalawigan.

Ito ay bukod sa mga ospital doon na pinangangasiwaan ng DOH.

Sa harap ito ng patuloy na pag-alburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.


Ang DOH Code Blue Alert ay response level alert para sa mobilization ng resources ng departamento.

Partikular ang mabilis na pag-mobilize ng logistics sa mga lugar na apektado ng kalamidad at para sa mabilis na pagresponde sa mga pasyente.

Facebook Comments