Pagpapalakas ng lokal na industriya para makalikha ng mas maraming trabaho, tututukan ni VP Leni

Tututukan ni Vice President Leni Robredo ang paglikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino kapag nahalal na pangulo ng bansa sa eleksyon sa Mayo.

Sa isang panayam, ibinida ni VP Leni ang kanyang “Hanapbuhay Para sa Lahat” na isang konkretong plano para palakasin ang mga lokal na industriya na magbibigay ng karagdagang trabaho sa mga Pilipino lalo na sa mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

Kabilang dito ang pagpapalakas sa tech industry kung saan nakapaloob din ang pagpapalawak at pagpapabilis sa internet service sa bansa, pagbibigay ng mga bagong kasanayan sa IT-BPO sector particular na sa animation at game development; information and knowledge management; robotics; cloud technology; at software development na may mas malaking sahod.


Bibigyan din niya ng kasiguraduhan ang mga empleyado sa pamamagitan ng unemployment insurance at public employment program kung saan gobyerno na mismo ang magbibigay sa iyo ng trabaho.

Target din ni Robredo na palawakin ang dati na niyang proyekto na “Trabahope”.

Sa ilalim nito, binibigyan ng libreng training ang mga kababayan nating nais makapagtrabaho at kapag natapos ang pagsasanay ay direkta silang ipinapasok sa mga kumpanya.

Facebook Comments