Barangay health workers, makikinabang nang husto sa Magna Carta of BHW ni Loren Legarda

119
Courtesy: World Vision Philippines

Iginiit ni House Deputy Speaker Loren Legarda ang kahalagahan ng pagsuporta sa mga panukalang batas na layong bigyang suporta ang mga barangay health worker.

Ayon kay Legarda, bilang isa sa mga may akda ng House Bill 10699 o Magna Carta of Barangay Health Workers ay mahalaga ito para mapalakas ang government services at maging permanente ang benepisyo sa mga BHW.

Sakaling maisabatas ito, tatanggap na rin ng hazard allowance at transportation allowance kada buwan ang BHWs.


At bukod pa ito sa subsistence allowance para sa pagkain kada araw, insurance coverage at free legal service, at pati na rin one-time retirement cash incentive para sa mga BHW na 15 taon nang nagseserbisyo.

Facebook Comments