Pagpapalakas ng partnership para sa curriculum ng nursing program ng bansa, nais pang palakasin ng bansang Iraq

Mas palalakasin pa ng bansang Iraq ang pagkaroon ng partnership sa Pilipinas para sa pagpapalakas ng kanilang nursing course sa curriculum sa kanilang bansa.

Ayon kay Iraq Ministry of Higher Education and Scientific Research Ministry Osama Esmaiel Al-Mushhadany na layon ng kanilang pagnanais na magkaroon ng partnership sa bansa dahil sa magandang curriculum at pagsasanay ng mga pilipino nurses dahil isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming migrant nurses workers sa bansa.

Dagdag pa Al-Mushhadany na isinasapinal na ang isang Memorandum of Understanding hinggil sa naturang parnership sa Commission on Higher Education.


At isa nga rito ay ang pagkakaroong ng bilateral cooperation ng dalawang bansa sa larangan ng edukasyon.

Facebook Comments