Pagpapalakas sa pagresponde ng publiko sa kalamidad, pinagtibay na sa komite ng Kamara

Inaprubahan sa House Committee on Disaster Resilience ang dalawang panukala kaugnay sa pagpapalakas at pagpapabuti sa pagresponde ng mga komunidad sa kalamidad.

Pinagtibay sa komite ang substitute bill na nagbibigay mandato sa partisipasyon ng pampubliko at pribadong establisyimento sa pagsasagawa ng emergency preparedness drills.

Sa ilalim ng panukala, i-institutionalize ang earthquake drills at iba pang emergency at disaster response training sa lahat ng mga paaralan at mga public at private establishments.


Layunin din ng panukala na makapagproduce ng mga kabataang may sapat na kaalaman sa life-saving, disaster survival at management skills.

Samantala, pinagtibay rin sa komite ang consolidated bills kaugnay naman sa disaster-related information.

Sa ilalim ng panukala ay tinitiyak na ang mga disaster-related information ay epektibong maipapakalat at maipaiintindi sa mga Pilipino sa iba’t ibang rehiyon sa bansa gamit ang kanilang sariling dayalekto.

Facebook Comments