Pagpapalakas sa pambansang seguridad at ekononomiya, tututukan ng Kamara sa pagbabalik ng session

Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na tututukan ng House of Representatives ang mga panukalang magpapalakas sa pambansang seguridad at ekonomiya sa nalalabing session ng 19th Congress.

Ayon kay Romualdez, ang pagpapatatag sa kapayapaan at seguridad ng bansa ay daan para higit na sumigla ang economic activities and development initiatives.

Positibo si Romualdez na makakatulong ito para matugunan ang kahirapan, makalikha ng trabaho at mapahusay ang estado ng pamumuhay ng mga Pilipino.


Binanggit ni Romualdez na kasama rin sa development agenda ng Kamara ang mahalagang mga sektor na tulad ng pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan, edukasyon at digital infrastructure.

Facebook Comments