Pagpapalakas sa programa ukol sa GMRC, tututukan ng Manila City Government

Pagtutuunan ng Manila City Government ang pagpapalakas sa Good Manners and Right Conduct (GMRC) program sa lahat ng paaralan.

Ito ang inihayag ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa kanyang pulong sa mga opisyal ng Department of Education at Manila Division of City Schools.

Kaugnay nito ay magsasagawa ang pamahalaang lokal ng mas maraming seminar para sa mga estudyante at guro ukol sa GMRC program.


Binigyang-diin ni Mayor Isko na layunin ng pagbuhay sa GMRC program na maibalik ang disiplina, respeto, malasakit, at pagpapahalaga sa kapwa.

Bukod dito ay pag-iibayunin din ng local government ang pagpapahusay sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) program para sa senior high schools sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming Science and Math laboratories.

Facebook Comments