Isang senior citizen, patay matapos mabangga ng ‘oil tanker’

Manila, Philippines – Patay ang isang senior citizen matapos mabangga ng ‘oil tanker’ ang sinasakyan nitong bisekleta sa kanto ng Aurora Blvd. at Araneta Avenue Quezon City.

Basag ang ulo at wasak ang ‘bike’ ng biktimang si Felizardo Villanueva 70-anyos ng Pandacan Maynila.

Pauwi na ang biktima nang mahagip ng ‘tanker’ na minamaneho ni Samson Mahusay.


Napag-alaman na kasama ng ‘senior citizen’ ang isa nitong anak na sakay din ng bisekleta nang mangyari ang aksidente.

Naisugod pa sa San Juan Medical Center ng rumespondeng ambulansya ang senior citizen pero hindi na rin umabot pa ng buhay.

DZXL558

Facebook Comments