Pagpapalawak sa JBC, hiniling ng Hudikatura sa Senado na pag-aralan

Inirekomenda ni Supreme Court Associate Justice Jose Midas Marquez sa Senado na pag-aralan ang pagpapalawak sa Judicial and Bar Council (JBC) sa gitna ng naunang mungkahi ni dating Solicitor General Atty. Estelito Mendoza na buwagin ito.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance kaugnay sa 2023 budget ng Judiciary ay naitanong ni Senator Robinhood Padilla kay Marquez kung ano ang kanilang opinyon sa rekomendasyon ni Mendoza na lusawin na ang JBC sa kadahilanang ang appointment ng mga myembro ng Hudikatura ay nakatuon lamang sa itinatalaga ng presidente at walang papel dito ang mga miyembro ng Commission on Appointments (CA).

Tugon ni Marquez, mayroong binuo noon si dating Pangulong Rodrigo Duterte na consultative committee na naatasang mag-review sa 1987 Constitution kung saan si dating Chief Justice Reynato Puno na head ng panel, ay inirekomendang i-expand pa ang JBC.


Batay aniya sa naunang suhestyon ni Puno ay mula sa kasalukuyang pitong myembro ng JBC ay pinapalawak ito sa 15 hanggang 20 member upang maging independent mula sa pangulo ang JBC at mayroon ding inilatag na guidelines kung papaano boboto sa mga nominado na itatalaga sa Hudikatura.

Hirit ni Marquez, maaaring pag-aralan ang pagpapalawak sa JBC kung nais talagang masilip ang proseso.

Samantala, sinabi naman ni Court Administrator Raul Villanueva na hindi makapagbigay ng opinyon ang Judiciary sa suhestyon ni Mendoza na buwagin ang JBC dahil maaaring may masagasaan na judicial review pero handa naman silang tumalima sakaling maamyendahan ang Konstitusyon.

Facebook Comments