300K NA HALAGA NG MARIJUANA, SINIRA SA KALINGA

18
Cauayan City, Isabela- Umabot sa 300,000 libong piso na halaga ng tanim na marijuana ang sinira ng mga awtoridad sa Barangay Lacnog, Tabuk City, Kalinga.

Magkasamang sinira at sinunog ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit, RSOG/RPDEU, Tabuk CPS, RID PROCOR kasama ang 1st KPMFC at PDEA Kalinga ang mahigit kumulang 1,500 na iligal na tanim na marijuana sa ilalim Kalinga PPO Oplan Henry 3.

Wala namang naarestong indibidwal noong isagawa ang operasyon.

Tiniyak naman ng mga awtoridad na patuloy ang kanilang gagawing monitoring sa lugar.

Facebook Comments