Pagpapalawig ng 15 pang araw sa ECQ, isa sa irerekomenda ng Metro Manila Council sa IATF-EID

Matapos ang isinagawang pulong kahapon ay nagdesisyon ang Metro Manila Council na irekomenda ang tatlong option sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, isa sa kanilang rekomendasyon ang pagpapalawig pa sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sakaling matapos na ito sa May 15, 2020.

Posible aniyang palawigin pa ito ng 15 araw o hanggang sa katapusan ng buwan.


Pangalawang rekomendasyon naman ay ang ilipat sa General Community Quarantine (GCQ) ang buong Metro Manila mula sa kasalukuyang ipinatutupad na ECQ.

Habang ang ikatlong rekomendasyon ay panatilihin sa ECQ ang mga lungsod sa Metro Manila na mataas ang kaso at ibababa naman sa GCQ ang mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments