Pagpapalawig ng state of calamity sa buong bansa dahil sa COVID-19 pandemic, nakadepende sa rekomendasyon ng DOH ayon sa Malakanyang

Hindi pa nakikita ngayon ng Malakanyang kung palalawigin o hindi ang state of calamity na una nang idineklara ng Duterte administration dahil sa pandemya ng COVID-19 na magtatapos sa September 12, 2022.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang pagdedesisyon kaugnay dito ay nakadepende sa magiging rekomendasyon ng Department of Health (DOH).

Sinabi ni Angeles na iaanunsyo nila agad ang magiging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaugnay rito.


Matatandaang, idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 infections.

Sa huling record ng DOH kahapon, nasa 3,181 ang mga bagong COVID-19 cases.

Facebook Comments