US Air Force Chief-of-Staff Gen. Brown, nakipagpulong kay AFP Chief-of-Staff Gen. Bacarro

76
Photo Courtesy: Armed Forces of the Philippines Facebook Page

Nag-courtesy call si United States Air Force Chief-of-Staff General Charles Brown Jr., kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro.

Mainit na sinalubong si Brown ng mga opisyal at tauhan ng AFP sa General Headquarters Building sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Tinalakay nina Bacarro at Brown ang mga pagsisikap na palakasin pa ang pagtutulungan na makikinabang ang Philippine Air Force at US Air Force.


Nabatid na patuloy ang modernisasyon ng militar partikular ang Air Force na mahalaga sa pagprotekta sa soberanya ng bansa.

Maliban sa Pilipinas, bumisita rin si Brown sa Singapore kung saan siya tumanggap ng Meritorious Service Medal.

Facebook Comments