Cauayan City, Isabela-Pirmado na ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Police Regional Office 2, Isabela State University (ISU) at Department of Science and Technology (DOST) Region 2 na layong palawigin ang agri-based services sa komunidad at police camps maging ang pagbuo ng IT applications na siyang gagamitin para mas mapagbuti ang mga operasyon ng kapulisan sa buong rehiyon.
Sa ilalim ng MOU, ang DOST at ISU ang mangangasiwa sa pagbibigay ng mga kasanayan at maging ang professional assistance sa pagpapatupad ng mga mabubuong proyekto.
Personal na magdidisenyo ang DOST at ISU sa pagpapalawig ng mga programa, technology adaption at magsasanay sa mga kapulisan ng PRO2 gaya ng paggamit ng IT solutions at ang community agri-based technologies.
Magpapadala naman ang PRO2 ng katuwang na tauhan sa DOST at ISU na siyang gagawa ng mga pamamaraan sa pagsasakatuparan ng mga magiging aktibidad.
Tatlong taon na magiging epektibo ang nasabing kasunduan at maaari din na amyendahan sa ilalim ng mutual agreement.
Epektibo ang naturang MOU sa loob ng tatlong (3) taon at maaring maamyendahan sa pamamagitan ng mutual agreement.
Ayon naman kay RD PBgen. Nieves, ang Memorandum of Understanding ay isang hakbang sa pagpapaunlad ng kooperasyon ng mga kasapi ng educational community at iba pang sektor ng lipunan sa pag-abot ng mahusay na sistema ng edukasyon.
Pinangunahan ni ISU President Dr. Ricmar Aquino, DOST RO2 Regional Director Engr. Sancho Mabborang at PRO2 Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves na sinaksihan naman ni NEDA Regional Director Dionisio Ledres Jr.