Pagpapalawig ng COMELEC sa deadline ng voter registration, welcome sa Kamara

Welcome para kay House Speaker Lord Allan Velasco ang desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na palawigin pa ang voter registration hanggang October 31.

Ayon kay Velasco, natutuwa at nagpapasalamat siya sa pagtugon ng poll body sa panawagan ng Kongreso at ng publiko na bigyan pa ng panahon ang mga bagong botante na makapagparehistro para sa 2022 national elections.

Positibo rin ang pagtanggap ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa kolektibong desisyon ng Comelec en banc.


Punto nito, ang “right to suffrage” ay sandigan ng isang “healthy democracy” at mahalagang mabigyan ng pagkakataon ang publiko na ma-exercise ang kanilang kalayaan at karapatan na maghalal ng mga kandidatong napipisil na maupo sa gobyerno.

Umaapela naman ang kongresista sa mga bagong botante na magparehistro na at huwag nang hintayin ang huling araw ng registration bago pumila.

Facebook Comments