Philippine Red Cross Cebu Chapter at Angkas, nagsanib pwersa upang maglunsad ng home-service RT-PCR test

Nakipagsanib pwersa ang Philippine Red Cross (PRC) Cebu Chapter sa Angkas na isang app-based professional motorcycle taxi service upang maglunsad ng home-service saliva RT-PCR test sa mga kabahayan.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, mahalaga ang COVID-19 testing sa pamamagitan ng RT-PCR upang matukoy ang mga indibidwal na positibo sa virus at agad ma-isolate upang mapigilan ang hawaan sa mga kabahayan.

Dagdag ni Gordon na layon din ng pagsasanib pwersa na mabigyan ng pagkukunan ng pagkakakitaan ang mga riders lalo na ngayong pandemya.


Aniya, ang mga riders ang isa sa mga pinaka-naapektuhan ang kabuhayaan noong ipinatupad ang lockdown.

Samantala, dahil naman sa nasabing hakbang ay bibigyan ng parehong training ang mga Angkas riders upang maging saliva specimen collectors.

Nabatid din ang partnership sa Angkas ay makakatulong sa maraming request ng home service.

Facebook Comments