Pagpapalawig ng ECQ, suportado ng AFP

Sinusuportahan ng Armed Forces of the Philippines ang naging desisyon ng Pangulo na palawigin pa ng 15 araw ang umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ilang rehiyon sa bansa dahil sa taas ng banta ng COVID-19.

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo, magsisilbi pa ring forefront ang mga sundalo sa pagpapatupad ng ECQ bilang pagsuporta sa National at Local governments.

Aniya magsasagawa sila ng mga kinakailangang adjustment sa pagdedeploy ng tropa sa field partikular sa mga quarantine checkpoints.


Pero gagawin aniya nila ito sa pakikipag ugnayan sa Philippine National Police (PNP) at Local Government Unit (LGU) depende sa mga pagbabago sa mga coverages ng community quarantine.

Ang AFP ay kasama sa Joint Task Force COVID shield na sila ngayong nagbabantay sa labas upang mahigpit na ipatupad ang mga quarantine protocols.

Facebook Comments