Pagpapalawig ng face-to-face classes sa mga low-risk area, pinatitiyak na masusuportahan ng pamahalaan

Pinatitiyak ni Assistant Minority Leader France Castro sa Department of Education (DepEd) na may sapat na suporta ang mga paaralang lalahok sa limited face-to-face classes mula sa mga lugar na mababa ang kaso o banta ng COVID-19.

Kasunod na rin ito ng pagsang-ayon ng kongresista sa mas pinalawak pa na limitadong face-to-face classes para sa mga low-risk areas.

Hinihikayat ni Castro ang DepEd na masigurong may mga nakahandang pasilidad para makasunod sa minimum health standards ang mga paaralan.


Naniniwala ang ACT-Teachers solon na ang face-to-face classes ang pinakamainam pa ring pamamaraan sa pagkatuto ng mga estudyante.

Bukod dito, long overdue na rin aniya ang hiling na limitadong pagbabalik sa klase sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.

Ilan naman sa mga mahahalagang hakbang para sa ligtas na pagbubukas ng mga klase ay sapat na bentilasyon, air filtration, washing at sanitation facilities; pabilisin ang vaccination programs, pagbibigay ng lingguhang testing sa mga guro at education support personnel na lalahok sa face-to-face classes, mass hiring ng school nurses at pagbibigay ng pondo para sa gamutan ng mga gurong magkakasakit ng COVID-19.

Facebook Comments