Las Piñas LGU, pumasa sa 2021 Seal of Good Financial Housekeeping

51

Inanunsyo ni Las Pinas City Mayor Imelda Aguilar na pumasa ang lungsod sa 2021 Seal of Good Financial Housekeeping (SGFH) ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Mayor Aguilar na kinilala ng DILG ang mga naging hakbang ng Las Piñas City government sa pagpapanatili ng magagandang gawain nito sa fiscal accountability at transparency sa pamamahala sa lokal.

Nagbigay naman ng pasasalamat ang alkalde ng lungsod sa iginawad ng Department of the Interior and Local Government-Bureau of Local Government Supervision (DILG-BLGS) bilang isa sa mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila sa pumasa sa 2021 Good Financial Housekeeping.


Base sa rekomendasyon ng DILG-BLGS, ang Las Piñas City ay kabilang sa tatlong lungsod na kinilala bilang DILG’s 2021 Good Financial Housekeeping Passers, kung saan ang kriterya ay ibinatay sa katatapos lamang na available Commission on Audit o COA Audit Opinion at compliance with full disclosure policy.

Ang dalawang siyudad na kasama ng Las Piñas ay ang Makati at Muntinlupa.

Facebook Comments