Pagpapalawig ng genome sequencing operations sa Visayas at Mindanao, hiniling sa Kamara

Umapela si Albay Rep. Joey Salceda kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa National Task Force (NTF) on COVID-19 na tulungan ang Philippine Genome Center (PGC) na palawigin ang genome sequencing operations sa Visayas at Mindanao.

Tinukoy ni Salceda na mangangailangan ng P100 million na pondo ang PGC para sa pagpapalawak ng sequencing sa mga rehiyon sa bansa.

Giit ng Chairman ng Committee on Ways and Means, maituturing na “essential ingredient” o mahalagang sangkap ang PGC upang hindi matulad ang bansa gaya na lamang ng nangyari sa Indonesia na ginimbal ng biglang pagtaas ng kaso ng Delta variant.


Naniniwala si Salceda na kung agad na made-detect ang mga variants ay maaari natin itong matalo o kaya ay mapigilan ang mabilis na pagkalat.

Pero kung hindi agad matutukoy ang mga variant ay humaharap tayo sa kalaban na mas nakamamatay pa kumpara sa Alpha variant.

Upang mapigilan ang paglala ng Delta variant cases sa bansa, kinakailangang mag-invest na sa genome sequencing gayundin ay bilisan ang testing, at pag-ibayuhin ang facilities-based quarantine.

Facebook Comments