Pagpapalawig ng hanggang apat na taon sa Estate Tax Amnesty, aprubado na sa ikalawang pagbasa

Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukala na magpapalawig sa Estate Tax Amnesty.

Inaamyendahan ng panukala ang RA 11213 o ang Tax Amnesty Act.

Ayon kay Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, layunin ng House Bill 7068 na bigyan ng kaluwagan ang mga indibidwal na may outstanding tax liabilities kung saan palalawigin ng hanggang apat na taon mula sa kasalukuyang dalawang taon ang paghahain ng estate tax.


Sa kasalukuyang batas ay hanggang dalawang taon lamang kasi ang bisa ng batas matapos itong aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong February 2019.

Ang mga taxpayers na mag-a-avail ng estate tax amnesty ay magkakaroon ng immunity o proteksyon sa civil, criminal, at administrative cases gayundin sa pagbabayad ng penalty.

Matatandaan na sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na mula 2019 hanggang June 2020 ay aabot lamang sa 23,911 ang nag-avail ng Estate Tax Amnesty at Tax Amnesty on Delinquencies.

Aabot lamang sa P1.326 billion ang nakolekta dito, malayo sa target na P6 billion na estate tax collection.

Facebook Comments