Pagpapalawig ng implementasyon ng alert level system, bahagi pa rin ng pilot study ayon sa palasyo

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na kabahagi pa rin ng pilot study ang ginawang expansion o pagpapalawig ng alert level system sa iba pang panig ng bansa.

Ayon kay Roque, iilang rehiyon pa lamang ang isinama sa naturang pilot study ng alert level system.

Kasunod nito, naniniwala ang kalihim na may kaugnayan ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila gayundin ang pag-improve ng hospital care utilization rate kung kaya’t pinalawig ang implementasyon ng alert level system.


Kanina inanunsyo ng kalihim na sakop na simula bukas ng Alert Level 4 ang Negros Oriental sa Region 7, Davao Occidental sa Region 11 habang Alert Level 3 ang iiral sa Cavite, Laguna, Rizal sa Region 4-A, Siquijor sa Region 7 at Davao City, Davao del Norte sa Region 11, Alert Level 2 naman sa Batangas, Quezon Province at Lucena City sa Region 4-A at Cebu City, Lapu Lapu City, Mandaue at Cebu Province sa Region 7.

Facebook Comments