Pirma na lamang ni Pangulong Duterte ang hinihintay ng kamara para sa pagsasabatas ng House Bill 8861 o ang pagpapalawig ng pagbibigay ng incentives sa Tourism Enterprise Zones (TEZS) at iba pang registered tourism enterprises.
Sa oras na maging ganap na batas ang panukala, palalawigin hanggang December 31, 2026 ang incentive schemes na itinakda sa ilalim ng tourism act of 2009.
Tinukoy sa panukala na siyam na taon mula nang ipatupad ang batas ay hindi nagawa ng Tourism Infrastructure And Enterprise Zone Authority (TIEZA) na ipagkaloob ang mga insentibo sa mga TEZS at tourism enterprises dahil ang revenue regulation ay naaprubahan at nailabas lamang noong November 15, 2016.
Dahil dito, nais ng mababang kapulungan na maisaayos at mabawi ang mga taon na hindi naipatupad ang mga insentibo sa pamamagitan ng pagpapalawig dito.
kabilang sa mga incentives ang income tax holidays, 5% gross income taxation, 100% exemption sa tax at custom duties sa importasyon ng mga capital equipment at paglilibre din sa buwis sa transportation at spare parts.
Kasama sa mabibigyan ng insentibo ang mga large investments, local, small at medium enterprises at registered tourism enterprises na pagmamayari ng mga pilipino na nasa ibang bansa.