Pagpapalawig ng National State of Calamity hanggang sa susunod na taon dahil sa pandemya, dinipensahan ni Pangulong Duterte

Dumipensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapalawig niya ng State of Calamity sa buong bansa hanggang September 12, 2021 para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Nabatid na nanawagan si Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na magkaroon na lamang ng assessment period sa halip na pahabain pa ang State of Calamity sa bansa.

Sa kaniyang public address, ipinaliwanag ni Pangulong Duterte na pinalawig niya ang deklarasyon para bigyan ang pamahalaan ng panahon para magamit ang resources nito sa pagkontrol ng pagkalat ng sakit.


Inatasan din niya ang militar at pulisya na tumulong sa pagresponde sa pandemya.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1021, pinalalawig ang state of calamity hanggang sa susunod na taon upang magamit ng national at local government ang Quick Response Fund sa pagtugon sa krisis.

Facebook Comments